Friday, 5 February 2021

DISKRIMINASYON

  
    
       Ang diskriminasyon ay isang kilos ng paggawa ng hindi nabibigyang katarungang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao batay sa mga pangkat, klase, o iba pang mga kategorya kung saan sila pinaghihinalaang kabilang. Ang mga tao ay maaaring makilala sa batayan ng lahi, kasarian, edad, relihiyon, o orientasyong sekswal, pati na rin ang iba pang mga kategorya.

       Ang aking masasabi tungkol dito ay ito ay isang biro, kasi ang paghihiya sa iba't ibang klase ng tao dahil sa kanilang itsura, at kulay ng kanilang balat. Isa talaga itong "childish" na pagagawa at hindi kaaya-aya makita. Dahil lang magkaiba ang kanilang balat, hindi nangangahulugang na kailangan mo silang ipagmamaliit. Kung kaya ano ba ang magagawa ko para matigil ang mga ganito o "at least" mapababa? Ang aking magawa lang ay titigilin ang pagagawa na ito kung ako man ay nakakita ng isa sa aking harapan. Hindi naman ako ang tipong tao na "go all out, even if you're tired" kaya yan lang talaga ang aking magagawa. 

      Sa totoo lang hindi ko parin gets kung bakit ang mga tao, ang ating mga sarili na magkontra sa mga kapwa tao na ipinanganak na iba? Hindi lang ito, pero ipinagliit rin ng mga "tao" na ito sa kung ano ang kaya nila. Kaya ang masasabi ko lang ay dapat tayo lahat, kapwa tao, ay magtutulungan kasi ginawa tayo ng diyos para magtulungan at hindi mag-away sa mga maliliit na bagay.

No comments:

Post a Comment

LIHAM PARA SA MGA POLITIKO

  March 24,2021 Godwin Labaya Inayawan, Sitio. Lumboy  Cebu City, 6000 Philippines Dear, mga Pulitiko      Alam naman ninyo kung ano ang sit...