Monday, 28 September 2020

KALAYAAN

 

     

        Ano ba ang kalayaan at bakit ba bawat tayo ay kailangan nito? Ang kalayaan ay ang pagiging malaya, malayang maipahayag ang mga opinyon, saloobin at nararamdaman, malayang mamuhay kung ano man ang gustuhin ng isang tao na walang nagbabawal o naglilimita habang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin at responsibilidad bilang tao.


       Bilang isang binata sa Pilipinas merong mga araw na hindi ako nakaranas nang  kalayaan. Isang halimbawa nito ay nung hindi ako pinalaro  nang aking ina sa labas dahil takot siya ma kidnap ako. At malinaw naman sa akin na hindi ko  gusto ito. Sa pagdaan nang mga taon unting unti nakaranas ako nang kalayaan. Kalayaan na hindi mo na kailangan ang iyong mga magulang sa lahat nang bagay. Kagaya nang pagpasok sa paaralan nang mag-isa lang, pumunta sa bahay nang iyong mga kaklase at iba pa. At  habang ako nag-enjoy  sa aking kalayaan, naisip ko sa aking sarili na : “Alam ko na pala kung bakit maliit lang ang kalayaan na aking naranas nung bata pa ako, yun pala “over protective” lang pala  sila sa aking, hindi nila ito ginawa para sa kanila kundi para sa ikakabuti ko bilang bata.

         Kaya sa aking paglaki hindi ko gagayahin  ang estilo nang pag-aalaga nang aking ina sa akin. Kung kaya gagawa ako  nang aking sariling estilo upang hindi maranas nang aking mga anak  (kung sakali magkaroon man ako) ang aking naranas noon.

No comments:

Post a Comment

LIHAM PARA SA MGA POLITIKO

  March 24,2021 Godwin Labaya Inayawan, Sitio. Lumboy  Cebu City, 6000 Philippines Dear, mga Pulitiko      Alam naman ninyo kung ano ang sit...