"May dalawang bagay na importante sa iyong buhay yun ay ang araw na ikaw ay ipinanganak at ang araw na malaman mo kung bakit ka ipinanganak." Mula sa quote na ito dito ko nalaman kung ano ang aking purpose, kung ano kahalaga ang buhay at kung sino ako nabubuhay.
Para sa akin ang kahalagahan ng buhay ay ang pag ranas sa iba't ibang bagay na ibinigay ng buhay sa iyong pagkatao at pag ranas sa mga bagay na iyong masalubong sa daan na iyong pinupunta. Hindi ka talaga kailangan mag-ubos ng oras sa pag-aral o pagiging seryoso, diba? Minsan kailangan mo lang mag relax at maranas ang mga bagay na ibinigay ng panginoon. Sabi ng mga matatanda na ang resulta ay ang pinakamahalaga sa buhay pero sa totoo lang ako ay hindi sang-ayon dito kasi para sa akin ang pinakamahalaga sa buhay ay hindi ang resulta kundi ang progreso.
Ang aking purpose sa mundo na ito ay mag-enjoy sa mga bagay bagay hanggang ako ay nasiyahan.
Isa itong simple na sagot pero sa totoo lang wala na akong iba na maiisip o ito lang talaga ang purpose ng lahat ng tao.
Ako ay nabubuhay para sa kinabukasan ng mundo. Kasi para sa akin ang purpose ng buhay hindi lang mag-enjoy kundi mag reproduce o multiply kasi ang kinabukasan ng mundo ay hindi mabubuo kung walang bagong mga tao na mag inhabitan dito.
No comments:
Post a Comment